Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Sa inilabas na kalatas ng HRP Boracay, nakalatag na ang
schedule sa susunod na linggo simula April 9 Palm Sunday na mag-uumpisa ng alas
6:30 ng umaga na susundan naman ng tatlo pang misa.
Araw ng Lunes April 10, may misa sa kapareho ring oras at
“ Kumpisalang Bayan” sa alas 8:30 ng umaga.
April 11 naman sa alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng
hapon ang umpisa ng House Visitataion of Apostoles, sa Holy Wednesday April 12
dalawang misa ang gaganapin, 6:30 ng umaga at alas-5 ng hapon maliban sa House
Visitation of the Apostles na naka-schedule ng alas 8 ng umaga.
Samantala, sa Huwebes Santo naman ay magkakaroon ng Mass
of the Last Supper sa alas-4:30 ng hapon.
Sa Marso 25 naman o Good Friday, araw kung kelan namatay
ang panginoon ay sisimulan ang aktibidad sa pamamagitan ng Live Station of the
Cross mula sa Brgy. Manoc-manoc Chapel hanggang sa Brgy. Balabag na susundan ng
Confession at Siete Palabras sa ganap na alas-12 ng tanghali.
Ang Commemoration naman sa pagkamatay ng panginoon ay
mangyayari alas 3 ng hapon.
Sa April 15, Black Saturday naman ng alas-7:30 ng gabi
ang Procession of Soledad at susundan naman sa alas-8 ng misa ng Easter Vigil
Mass, at sa araw ng Linggo o Eastern Sunday sa alas-5 ng gabi ang pagsalubong o
paggunita sa araw ng muling pagkabuhay ni Kristo Hesus.
Ang Semana Santa ay isa sa pinakamahalagang relihiyosong
debosyon ng mga Pilipino kung saan isinasagawa ang lahat ng ito upang
alalahanin ang mga paghihirap at ang pagkamatay ni Hesus para sa sangkatauhan.
No comments:
Post a Comment