Pages

Wednesday, April 05, 2017

HRP Boracay, inilatag na ang schedule para sa Semana Santa

Posted April 5, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Inilatag na ng simbahan ng HRP o Holy Rosary Parish Boracay ang schedule para sa Semana Santa.

Sa inilabas na kalatas ng HRP Boracay, nakalatag na ang schedule sa susunod na linggo simula April 9 Palm Sunday na mag-uumpisa ng alas 6:30 ng umaga na susundan naman ng tatlo pang misa.

Araw ng Lunes April 10, may misa sa kapareho ring oras at “ Kumpisalang Bayan” sa alas 8:30 ng umaga.

April 11 naman sa alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon ang umpisa ng House Visitataion of Apostoles, sa Holy Wednesday April 12 dalawang misa ang gaganapin, 6:30 ng umaga at alas-5 ng hapon maliban sa House Visitation of the Apostles na naka-schedule ng alas 8 ng umaga.

Samantala, sa Huwebes Santo naman ay magkakaroon ng Mass of the Last Supper sa alas-4:30 ng hapon.

Sa Marso 25 naman o Good Friday, araw kung kelan namatay ang panginoon ay sisimulan ang aktibidad sa pamamagitan ng Live Station of the Cross mula sa Brgy. Manoc-manoc Chapel hanggang sa Brgy. Balabag na susundan ng Confession at Siete Palabras sa ganap na alas-12 ng tanghali.

Ang Commemoration naman sa pagkamatay ng panginoon ay mangyayari alas 3 ng hapon.

Sa April 15, Black Saturday naman ng alas-7:30 ng gabi ang Procession of Soledad at susundan naman sa alas-8 ng misa ng Easter Vigil Mass, at sa araw ng Linggo o Eastern Sunday sa alas-5 ng gabi ang pagsalubong o paggunita sa araw ng muling pagkabuhay ni Kristo Hesus.

Ang Semana Santa ay isa sa pinakamahalagang relihiyosong debosyon ng mga Pilipino kung saan isinasagawa ang lahat ng ito upang alalahanin ang mga paghihirap at ang pagkamatay ni Hesus para sa sangkatauhan.

No comments:

Post a Comment