Posted April 6, 2017
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES FM Boracay
Idineklara ng Dead on Arrival o DOA ang isang turistang British
national matapos umanong malunod sa ginawang diving activity sa Boracay.
Sa report ng Boracay PNP, nakatanggap sila ng tawag mula
sa isang concerned citizen na may isa umanong biktima ng pagkalunod sa baybayin
ng Balabag.
Agad namang pinuntahan ng mga pulis ang lugar para
magsagawa ng imbestigasyon kung saan kinilala ang biktimang si Jose Miguel
Samonte Arenas, 50- anyos isang bakasyunista at nanunuluyan sa isang hotel sa
Balabag.
Napag-alaman na kasama ng biktima ang kanyang dalawang babaeng
anak na edad 9 at 13-anyos ng maganap ang insidente sa kasagsagan ng kanilang Scuba
Diving Activity.
Nabatid na dalawang minuto pa lamang ng sila ay bumaba sa
tubig ng mapansin umano ng Dive Master na nag-papanic sa ilalim ang biktima
kung kaya’t agad nila itong inahon at dinala sa shoreline ng beach para lapatan
ng CPR.
Kaugnay nito, dumating agad ang ambulansya para isugod
ang biktima sa pinakamalapit na klinika subalit idineklara din na DOA ng
nagsilbing physician nito.
Napag-alaman na ang ikinamatay umano ng biktima ay
Cardiopulmonary Arrest.
Habang nakalagak sa isang punerarya sa Malay ang bangkay ng
Briton ay balak umano ng pamilya na ipa-autopsy at magsagawa ng sariling
imbestigasyon.
No comments:
Post a Comment