Posted April 7, 2017
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES FM Boracay
Naging panauhin sa ginanap na 12th Regular
Session ng SB Malay ang mga establisyementong nakitaan ng paglabag sa ordinansa
sa pagpapatayo ng building sa isla.
Ayon kay Zoning Officer Alma Belejerdo, lumabag ang pitong
establisyemento dahil sa bigo ang mga ito na ma-comply ang proseso sa pagkuha
ng clearance at permit na kailangan sa pagpapatayo ng building.
Komento ni SB Member Jupiter Gallenero, sana bago umano
gumawa ng hakbang sa pagtatayo ng building subukan munang tingnan ang ordinansa
ng Lokal na Pamahalaan ng Malay.
Kaugnay nito, kabilang sa mga nilabag ng mga ipinatawag
ay ang no build zone, no business permit, no zoning clearance dagdag pa ang
setback at ang classification ng area ng pinag-tayuan ng straktura.
Dahil sa kontrobersya, nagbigay ng pahayag si SB Member Frolibar
Bautista na sana ay magsilbi na itong babala sa lahat ng mga violators sa isla
na hihigpitan pa nila ang pag-iinspeksyon ng mga bagong itinatayong gusali.
Dagdag naman ni SB Dante Pagsuguiron, suhestyon nito na
limitahan ang pagpapatayo at ingatan ang pagtanggap ng mga aplikasyon ng
establisyemento sa isla para hindi na maging over-developed ang Boracay.
Samantala, nabatid na permanente man o temporaryo ang
isang itinatayong istraktura ay mahigpit pa ring ipapatupad ang pagkuha ng
permit base na rin sa ordinansa.
No comments:
Post a Comment