YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, April 05, 2017

Resort ipapatawag dahil sa hindi maayos na pagtapon ng Kitchen Waste sa ManocManoc

Posted April 5, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Balak ngayong ipatawag ang isang malaking resort sa isla ng Boracay dahil sa pagka-diskubre na may nakakalat na Kitchen Waste sa sarili nitong tambakan ng basura sa ManocManoc Boracay.

Ito ang pahayag ni Manocmanoc Kagawad Nixon Sualog sa isang panayam sa Yes FM Boracay.

Aniya, ipapatawag nila ang naturang resort ito’y dahil umusbong na naman itong usapin sa basura dahil sa pagkalat ng mga larawan sa Facebook na kinunan ng residente sa naturang Sitio.

Usap-usapan kasi ngayon na may mga itinatapon na basura o kitchen waste na nakabalot pa sa mga plastic bag sa naturang lugar na naging sanhi ng hindi magandang amoy.

Kasabay nito, napagkasunduan umano ng Barangay Council na imbitahan nila ang Manager ng naturang resort para ipaliwanag sa kanila kung bakit doon nila ito tinatapon gayong alam naman ng lahat na may inaayos pang problema patungkol sa basura.

Nanawagan naman si Sualog sa mga residente na magtulungan sa usaping basura kung saan apela niya na sa bahay palang ay dapat nang i-segragate ang kanilang mga basura upang hindi mangamoy.

Samantala, tuloy-tuloy ang isinasagawang pag-haul ng LGU-Malay para maubos na ang basura sa Centralized MRF papuntang Sanitary Landfill sa mainland Malay.


No comments:

Post a Comment