Posted April 7, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Korean at Chinese tourist parin ang siyang nangunguna sa
tourist arrival sa isla ng Boracay ngayong buwan ng Marso taong kasalukuyan.
Sa kalatas na inilabas ni DOT Boracay Sub-Office Tourism
Assistant Kristoffer Leo Velete, muling nanguna ang Korean Tourist na may
record na 27,223 at sinundan naman ng Chinese na may 25,127.
Sumunod naman dito ang Taiwanese na may 4, 164, pang-apat
ang United States na merong 2, 820.
Samantala, pang-lima naman ang U.K. na may 2,221,
pang-anim ang Malaysia na may naitalang 2,119, pang-pito ang Russia 2, 096,
pang-walo ang Australia 1,903, siyam ang
Germany 1,732 at pasok naman sa pang-sampu ang Saudi Arabia na may 1, 187
tourist arrival.
Dahil summer season at papalapit na ang mga major events
sa Boracay inaasahan namang dadagsain ng marami turista mula sa ibang bansa ang
number one tourist destination na isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment