Posted March 27, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Dahil sa hindi pa maayos na operasyon ng mga Electric
Tricycle o (E-trike) ay pansamantala munang ikinansela ang aging para sa mga
pampasaherong traysikel sa isla ng Boracay.
Ito ang sinabi ni Vice Mayor Abram Sualog sa panayam ng
Yes FM pagkatapos makipag-pulong ito sa mga supplier at operators ng E-trike
alinsunod sa ng Municipal Tricycle Franchising and Regulatory Board ng Malay.
Ayon sa Bise-Alkalde, hindi pa pwedeng ipatupad ang aging
ng mga traysikel habang marami pang dapat ayusin at siguraduhin bago ang full
implementation ng E-Trike sa isla.
Sa ginawang dayalogo, inalam ng Municipal Tricycle
Franchising and Regulatory Board ang mga hinaing at nakitang problema ng mga
operator sa operasyon ng E-trike.
Kung matatandaan, noon pa sanang nakaraan taon ito
ipinatupad kung natapos ng E-trike Suppliers ang anim na buwang patakaran na
maayos nila ang kanilang pag-operate sa isla.
Nabatid kasi na nakapaloob sa Resolution No. 074, ang
ordinansa na ang lahat ng mga magpapalit ng kanilang franchise ay
ni-re-required ng kumuha ng Electric Tricycle (E-trike) pampalit sa kanilang
pinapasadang tricycle sa isla.
Sa ngayon ay merong apat ng E-trike Suppliers ang isla
kung saan ito ay Bemac, Tojo, Gerweiss Motors at Prozza.
No comments:
Post a Comment