Posted March 27, 2017
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES FM Boracay
Muling tututok ang Municipal Agricultures Office sa mga
naglipana na mga asong-gala sa beachline ng isla.
Sa panayam ng himpilang ito kay MAO Municipal
Veterinarian II Dr. Deyven Oriondo, mayroong na raw silang apat na mga dog
catcher na nag-iikot sa buong isla lalo na sa kahabaan ng long beach para
i-monitor ang mga napabayaang aso lalo at summer season na.
Nabatid na noong nakaraang taon ay nakahuli sila ng 116
na stray dogs simula buwan ng Agosto hanggang Disyembre habang 46 na mga aso
naman simula ng pagpasok ng taon hanggang ngayon kasalukuyan.
Aniya, ang pangunahing hakbang pa rin para maiwasan ang
mga asong gala ay ang pagiging responsibleng pet owner.
Dagdag pa nito, maaari naman umano na i-surrender ang mga
alaga nila kung hindi na ito kayang alagaan.
Kaugnay nito libre naman ang ibinibigay na bakuna ng
Municipal Agricultures Office kalakip ang iba pang mga free services na
inumpisahan nila noong Enero 23 ng taong ito kung saan ay nag-house to house
visit para sa pagbibigay ng bakuna.
Pinaabot naman nito sa publiko na kung sila ay mag-aalaga
ng aso ay maaari nilang i-rehistro ang mga ito sa barangay kung saan sila
naninirahan at dumulog sa kanilang opisina ng MAO para sa konsultasyon at
schedule ng pagbibigay ng vaccination at ang iba pa nilang serbisyo.
Samantala, base naman sa ordinansa ng Lokal na Pamahalaan
ng Malay Municipal Ordinance no. 302 at 182 umalinsunod sa RA 9482 o mas kilala
sa Anti-Rabies Act, nagsasabi na ang sinumang lumabag sa nasabing batas ay
mananagot at bibigyan ng kaukulang penalidad.
No comments:
Post a Comment