Posted March 31, 2017
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES FM Boracay
Nakapagtala ng tatlong insidente ng sunog ang Bureau of
Fire Protection Unit o BFP-Boracay ngayong Marso.
Sa panayam kay FO2 Giovanni Saude, bukod sa nasabing
bilang, wala naman umanong naitalang malaking sunog sa buwan na ito kung saan
ang pinakahuli ay ang nangyari sa Sitio Cagban Brgy. Manoc Manoc,Boracay noong
Linggo.
Kaugnay nito, nagpaabot ito ng mensahe sa publiko na
maglaan ng ibayong pag-iingat sa kanilang mga appliances at electrical devices
na madalas iniiwan sa kanilang mga bahay.
Aniya, i-secure dapat nila kung naka-unplug ang kanilang
mga kagamitan at ang paggamit ng kandila ngayong Holy Week na maaring pagmulan
ng sunog.
Sa ngayon ay todo-alerto na rin ang Bureau of Fire
Protection Unit para sa seguridad sa isla ng Boracay para sa paggunita ng
Semana Santa.
No comments:
Post a Comment