Posted March 27, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Umano’y pagsiga ng
caretaker ang tinuturong dahilan kung bakit nasunog ang isang abandonadong bahay
kubo sa Sitio Cagban Brgy. Manocmanoc, Boracay kahapon.
Ayon sa report ng
Bureau of Fire Protection (BFP) Boracay, nagsimula ang sunog bandang 10:30 ng
umaga kung saan agad naman nilang ni-respondihan ang lugar.
Sa kanila umanong
imbestigasyon, bago sumiklab ang sunog ay nagsiga pa umano dito ang caretaker na
sinasabing dahil sa malakas na hangin kung kaya’t mabilis na kumalat ang apoy.
Bagama’t ito ay
bahay kubo lamang, ngunit tinatayang mahigit kumulang P10K ang halagang tinupok
ng apoy na gawa sa light materials, kung saan tumagal ng 30 minuto ang
pag-apula ng mga bumbero.
Samantala, muling
paalala ng BFP-Boracay ibayong pag-iingat parin ang kinakailangan upang maka-iwas
sa posibleng maging sanhi ng mga sunog.
No comments:
Post a Comment