Posted March 29, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Ipapatupad na
ngayon ang “No Shortchanging Act” sa bansa kung saan ang alituntunin sa tamang
pagtanggap ng bayad at sukli ay dapat sundin ng mga establisyemento o mga
sasakyan sa kanilang mga kustomer.
Ito ang sinabi ni
DTI-Aklan Officer In Charge Ma. Carmen Iturralde kung saan ay may nakalaang
penalidad sa mga lalabag dito.
Nakapaloob sa
naturang batas na sa First Offense ay papatawan ng P500 pesos, Second Offense
P5,000 pesos, 3rd Offence na may P 15, 000 at tatlong buwang suspension ng
lisensya, at sa 4rth Offence naman ay P 25,000 at may revocation of license to
operate.
Bukod dito, hindi
dapat umano lalagpas sa sampung araw ang magrereklamo dahil lumagpas na ito ay
hindi na ito pwede.
Samanatala,
nag-apela naman si Iturralde sa publiko na kung may reklamo ay dumulog lang sa
kanilang opisina upang agad nila itong maaksyunan.
No comments:
Post a Comment