Posted March 30, 2017
Ni Danita Jean A.
Pelayo YES FM Boracay
Mas paiiigtingan pa ng Boracay Tourist Assistance Center
(BTAC) ang pag-momonitor ng mga drug personality sa isla sa muling pagbabalik
ng operasyon kontra iligal na droga na Oplan Double Barrel Reloaded.
Sa panayam kay PInsp Joey Delos Santos ng BTAC sa
himpilang ito, nabanggit niya ang patuloy na house to house visitation nila sa
lahat ng mga nakalista at sumuko sa ginawang Operation Tokhang noon sa Boracay.
Aniya, ang Oplan Double Barrel Reloaded ay hindi lamang
naka-pokus sa mga illegal drug users kundi pati na rin sa mga police scalawags
na nabibilang sa mga hanay ng kapulisan na mayrooong mga bad records.
Ngayong taon ay bubuuin umano ang DEU o Drug Enforecement
Unit kung saan magiging mahigpit ang kanilang pagsisiyasat sa mga napasamang police
officers sa isasagawang background investigation.
Ani Delos Santos, bagama’t nagtala sila ng 88 na naaresto
sa nakaraang taon mula Agosto hanggang Disyembre, ramdam daw nila marami ang
tumigil sa dati nilang bisyo ngunit sa paglilinaw nito ay may mga bago umanong
gumagamit at nagtutulak ng droga sa isla.
Nagpaabot naman ito ng mensahe sa nalululong sa droga na
habang may pagkakataon pa ay sumuko na sila at magbago dahil tuloy pa rin ang kampanya
kontra droga ng Duterte administration.
Sa kasulukuyan, tuloy pa rin naman umano ang validation sa
mga identified o suspek na involve sa droga sa Boracay.
No comments:
Post a Comment