Posted March 16, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Kulong ang
turistang Chinese national matapos itong manggulo sa harapan ng isang Minimart
sa Brgy. Balabag, Boracay.
Base sa report ng
Boracay PNP, ini-reklamo ni John Anthony Mateo 18-anyos ng Brgy. Caroline,
Looc, Romblon at nakatira ngayon sa Sitio Pinaungon ng nasabing Brgy. ang turistang
suspek na si Wang Meng.
Nabatid na
nanggaling umano ang dalawa sa isang bar kung saan ng papauwi na ang mga ito ay
nagulat umano ang suspek na nawawala na ang kanyang cellphone dahilan para mag-iskandalo
ito sa nasabing lugar at paghahampasin ang nag-rereklamo.
Sa ngayon
pansamantalang nasa kustudiya na ng Boracay PNP ang naturang turista na
napag-alaman na lasing ito ng maganap ang insidente.
No comments:
Post a Comment