Posted March 14, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nakatakdang pag-usapan sa Sangguniang Bayan SB Session ng
Malay ngayong Martes ang tungkol sa ibat-ibang isyu sa Caticlan Airport.
Sa 10th Regular SB Session ng Malay nitong
nakaraang Martes, inimbitahan ni SB Member Rowen Aguirre ang “Land Owner Sa
Palibot it Airport” (LOPA) base na rin sa request ng mga grupo nito na
pag-usapan sa session ang kanilang problema.
Maliban dito dadalo rin ang PPP, National Economic and
Development Authority (NEDA) at Department of Interior and Local Government
(DILG) mula sa Manila para masagot ang mga katanungan ng mga LOPA members.
Nabatid na ang LOPA ay kinabibilangan ng mga residente na
apektado ng ginagawang International Airport sa Caticlan kung saan hindi pabor
ang mga ito sa naging kasunduan nila sa pagitan ng kumpanya ng nasabing
airport.
No comments:
Post a Comment