Posted March 14, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Pinag-iisipan pa
ngayon ng Local Government Unit (LGU) Malay ang pagpapatayo ng Portable CR sa
beach area ng Boracay.
Ito’y kaugnay sa
paghahanda sa papalapit na Super Peak Season lalong-lalo na sa Summer event ng
LaBoracay.
Ayon kay Engineer
Tresha Lozañes ng Environmental Management Services Unit Office ng LGU Malay,
pinag-iisipan pa nila ang pagpapatayo ng naturang Portable Comfort Rooms sa beachline
ng isla.
Maliban dito, payo
ni Lozañes sa mga organizer na magsasagawa ng event sa Boracay na sumunod sa mga
ordinansa at maging aware sa penalidad sakaling sila ay lumabag.
Aniya, kung sino
man umano ang hindi susunod dito, ay maari umano nilang i-blacklist para hindi
na makapag-operate ng kanilang event sa Boracay.
Nabatid kase, na
noong nakaraang taon ay maraming
nag-rereklamo na turista na malayo at siksikan ang paggamit ng CR kung saan napipilitan
pa ang mga ito na umuwi sa kanilang hotel na tinutuluyan o kaya ang iba aya sa dagat na inaabutan ng tawag ng kalikasan.
No comments:
Post a Comment