Posted March 18, 2016
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Huli sa isinagawang hot pursuit operation ang isang Tour
guide matapos nitong tangayin ang pera ng turista sa Brgy. Balabag, Boracay
kaninang madaling araw.
Nakilala ang biktima na si Ugur Cenk Yaliman,39-anyos
isang Swiss national at temporaryong nakatira sa isang resort sa isla habang
ang suspek ay kinilalang si Errol Baz 38-anyos residente ng Poblacion Nabas,
Aklan.
Sumbong ng biktima sa Boracay PNP, kakatapos lang umano
nitong bumili ng souvenir sa isang shop kung saan pagbibilang nito ng kanyang
pera para sana ilagay sa kanyang wallet, ay dito siya tinulak ng suspek dahilan
para mahulog ang hawak nitong mga pera.
Nabatid na tumulong pa umano ang suspek na pulutin ang
pera ngunit mabilis niya umano itong tinangay na nagkakahalaga ng P12, 000.
Nabatid na matapos ang insidente ay nakita ng biktima ang
suspek di kalayuan sa lugar kung saan dito niya ito kinuhaan ng litrato at agad
na isinumbong sa mga pulis.
Dahil dito, agad na nagsagawa ng hot pursuit operation
ang Boracay PNP kung saan agad ding nahuli ang suspek na ngayon ay himas-rehas na
sa nasabing himpilan.
No comments:
Post a Comment