Posted March 18, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Isasailalim na ngayong araw ang mga gurong magsisilbi
para sa darating na halalan sa Mayo 9, 2016 para sa paggamit ng Voting Counting
Machine (VCM) sa Sampaguita Garden Resort sa New Washington, Aklan.
Ayon kay Clarisa Sualog ng DepEd District Malay, alas-3
ngayong hapon magsisimula ang registration para sa dalawang araw na training na
magtatapos naman bukas araw ng Sabado.
Kaugnay nito, sa tatlong daan umanong mga guro sa DepEd Malay
ay isang daan sa elementarya at animnaput siyam sa high school ang sasailalim
sa training ng Comelec.
Maliban dito may mga support staff din umanong kasama sa
nasabing pagsasanay kung saan hindi lang puro guro ang isasalang sa halalan.
Samantala, pangungunahan naman ng Comelec National Office
ang naturang training katuwang ang Aklan Provincial Office at Municipal Offices
ng naturang ahensya.
No comments:
Post a Comment