Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Kasado na ang mga
plano na isasagawa ng Life Guards Boracay para sa seguridad ng mga taong
magbabakasyon sa Super Peak Season dito.
Ayon kay Mike
Labatiao, Consultant Sea Sports and Coastal Concern ng Local Government Unit at
dating Life Guard Commander, nakipag-pulong na umano ito sa Boracay Action
Group kaugnay sa kanilang isasagawang pagbabantay sa seguridad ng mga taong
maliligo sa isla.
Aniya, may mga
training at seminar na umano silang isinasagawa para mapaigting ang kanilang
prerarasyon sa super peak season kung saan kabilang sa magiging kasama nila ang
mga volunteer ng Red Cross at iba pang kasapi sa pagbabantay dito.
Nabatid, na
gagamit ang mga ito ng Hand Held Radio upang mas mapadali ang kanilang
pagrespondi at pagbibigay ng impormasyon sa bawat isa.
Sinabi pa ni Labatiao,
na maliban sa kanilang preparasyon sa pagbabantay sa tabi ng dagat ay
magro-roving umano ang lifeguard sakay ng kanilang speed boat sa dagat.
Samantala, payo
naman nito sa mga magbabakasyon sa isla ng Boracay lalong-lalo na ang may mga
dalang bata na huwag pabayaan ang kanilang mga anak paliligo mag-isa sa dagat.
Maliban dito,
pinayuhan naman nito ang mga magdadala ng gamit sa beach na kung maaari ay iwan
nalang sa kanilang mga hotel na tinutuluyan upang hindi mabiktima ng kawatan,
lalong-lalo na ang mamamahaling bagay.
No comments:
Post a Comment