Posted February 1, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Photo by Boracay PNP |
Nasa 18 CCTV camera ngayon ang ikinabit sa mga crime
prone areas sa isla ng Boracay.
Ito ay bilang tugon sa mga naitatalang insidente sa isla
na proyekto naman ng Local Government Unit ng Malay sa ilalim ng Local Disaster
Risk and Reduction Management Office.
Hawak naman ng Boracay PNP Operation Office ang 48"
monitor ng nasabing 18 CCTV upang mas mapabilis ang pagrespondi sa anumang
insidente sa isla.
Nabatid na ang CCTV ay malaking bagay para sa mga
otoridad sa Boracay sa pamamagitan ng pagresolba ng anumang krimen sa mga lugar
na nahahagip ng CCTV.
No comments:
Post a Comment