Posted February 4, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nakipagharap na sa Sangguniang Bayan ng Malay ang Boracay
Redevelopment Task Force (BRTF) at Engineering Office.
Ito’y matapos silang ipatawag ng SB Malay para talakayin
ang mga problema sa isla ng Boracay na kinabibilangan ng Building permit,
widening project, street lights at iba-iba pang concern ng konseho.
Kabilang naman sa mga dumalo rito ay sina Engr. Arnold
Solano OIC Municipal Engineer; Alma Belejerdo, MPDC/Zoning Administrator;
Island Administrator Glen SacapaƱo, BRTF Secretary Mabel Bacani at at iba pang
technical team ng LGU Malay.
Pinangunahan naman ni SB Member Frolibar Bautista ang
pagtatanong sa mga bisita kaugnay sa ibat-ibang isyu sa building construction
ngayon sa isla.
Inalaman din nito kung anong mga establisyemento ang
hindi naisyuhan ng building permit kabilang na ang mga hindi sumunod sa 6 meter
easement rule sa mainroad.
Samantala, hiniling naman nito na sana’y maaayos na kung
ano man ang problema ngayon sa Boracay katuwang ang mga kinauukulan.
No comments:
Post a Comment