YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, February 05, 2016

Naaresto sa Comelec gun ban sa Aklan, umabot na sa 13

Posted February 5, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Umabot na ngayon sa 13 indibidwal ang naaresto sa probinsya ng Aklan matapos na lumabag sa Comelec Gun ban para sa 2016 National and Local Election.

Ito ay base sa tala ng Aklan Police Provincial Office (APPO) kung saan sampung patalim na ang nakumpiska mula sa mga civilian at tatlong mga baril simula Enero 10 hanggang nitong Enero 31.

Walo sa mga lumabag sa gun ban ay nahuli sa bayan ng Kalibo, tatlo sa bayan ng Numancia at dalawa naman sa isla ng Boracay na kinilalang si Ruel Zonio at Randy Ventura na nahuli noong Enero 26 matapos manghold-up sa isang tindahan ng cellphone sa isla.

Nabatid na ang 13 mga nahuli ay mahahaparap sa penalidad sa paglabag sa Comelec Resolution No. 10015 dahil sa pagdadala at paggamit ng mga ipinagbabawal at nakakamatay na armas sa panahon ng gun ban.

No comments:

Post a Comment