Posted
February 2, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Umiilaw na umano ngayon ang 78 Solar Street Lights sa
ilang area sa Boracay partikular sa Balabag Plaza, Yapak at Mt. Luho.
Ayon kay OIC for Municipal Engineer’s Office Engr. Arnold
Solano, nasa 118 solar panel umano ang kanilang itatayo sa isla na kung saan
karamihan umano nito ay nasa mainroad at papuntang Tambisaan Port sa
Manoc-Manoc.
Nagkakahalaga umano ang budget nito ng P5 Milyon na
proyekto ng Local Government Unit ng Malay kung saan napag-alaman na dapat
noong bago pa mag APEC Ministerial Meeting ito itatayo sa Boracay.
Sinabi pa nito na ang Solar Panel ay maganda ang kalikad na
ang may hawak ay kumpanya mula sa US kung saan mayroon umanong 25 years
warranty at iilaw kahit na brown out.
Ang pagpapatayo naman umano nito ay may distansyang 40-45
meters at may 6 meters wide mula sa setback sa mainroad.
Samantala, target namang maitayo ang 118 na Solar Street
lights ngayong Pebrero 15, 2016 sa tatlong Brgy. sa isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment