YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, February 01, 2016

Security measures sa isla, tinalakay sa Boracay Integrated Security Coordinating Conference

Posted February 1, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Sama-sama ang ibat-ibang department heads ng LGU Malay at mga personnel ng Philippine National Police sa lalawigan at sa katabing probinsya sa pagtalakay sa security measures sa Boracay.

Ito ay kaugnay sa isinagawang Boracay Integrated Security Coordinating Conference nitong Enero 29, 2016 na dinaluhan ni Antique PPO Officer In-Charge PSSUPT Louis Garong, Aklan PPO Officer In-Charge PSSUPT John Mitchell Jamili, NICA 6 Regional Director Col Aldred Limos, Capt Abayon ng MIG, BTAC Chief PSI Nilo Morallos, PCG-Caticlan Commander Lt Edison Diaz, Malay PNP Officer In-Charge PSI Frensy Andrade at Boracay Action Group Adviser/Consultant Commodore Leonard Tirol.

Pinangunahan naman ni Tirol ang nasabing conference kung saan ibinahagi nito sa mga dumalo ang kanilang ginagawang security measures at proteksyon sa isla sa ilalim ng BAG.

Maliban dito tinalakay rin ang Contingency Plan sa limang magkahiwalay na senaryo at ang paglalagay ng bagong 18 CCTV Camera para sa pagtulong sa pagsupo ng krimen sa isla.

Nabatid na kaliwat kanan ang ginagawang meeting ng mga otoridad para sa Boracay upang lalong mapaigting ang seguridad sa anumang banta laban sa turismo.

No comments:

Post a Comment