Posted Febuary 2, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Nagpaalalala
ngayon ang Provincial Health Office
(PHO) Aklan sa publiko na maging
maingat at maging alerto sa sakit na Zika virus na nananalasa sa ibang bansa.
Ayon kay Dr. Cornelio Cuachon, Provincial Health Officer
I, ang sakit na Zika virus ay nakukuha
sa kagat ng lamok na pareho ang sintomas sa dengue na ang sanhi umano nito ay lagnat, rashes,
sakit ng katawan at walang ganang kumain.
Aniya, idineklara
na ng World Health Organization (WHO) ang mosquito-borne Zika virus bilang
international public health emergency dahil
katulad narin ito sa mga malalaking sakit na dumaan sa ibang bansa.
Sinasabing mas delikado
ito sa mga nagbubuntis na babae dahil ang Zika virus ay
sinasabing makakaapekto ito sa kanilang isisilang na sanggol na ang magiging resulta ay maliit ang ulo, mayroong brain defect at makasira ng
paningin.
Bagama’t, Zika
virus free naman ang ating bansa sa nasabing sakit pinayuhan naman ngayon ni
Cuachon ang mga buntis na babae na iwasan ang paglalakbay sa mga lugar na laganap
itong sakit.
Dagdag pa nito muli
niyang paalala sa publiko na maging malinis sa ating paligid at makipagtulungan
upang labanan ang mga lamok na
nakakamatay pag ito ay pinabayaaan.
No comments:
Post a Comment