Posted September 12, 2016
Ni Jay-ar M.
Arante, YES FM Boracay
Ito ay base sa kakalabas lamang na resulta ng anti-illegal
drug campaign ng Aklan Police Provincial Office (APPO).
Ayon kay Chief Inspector Bernard Ufano, hepe ng Aklan
Provincial Intelligence Branch, sa 327 umanong barangay sa 17 bayan sa Aklan
ay nasa 118 lamang umano rito ang
kinokonsidera nilang drug free.
Sinabi pa nito na ang pagtaas ng numero ng mga brgy. na
apektado ng droga ay dahil sa mga drug surrenderees ng Oplan Tokhang campaign ng PNP.
Samantala, sa latest data ng Aklan PPO nitong September
5, sa 209 barangay na apektado ng droga sa Aklan ay mayroon lahat na 1,851
illegal drug personalities ang sumuko sa ilalim ng Philippine National Police’s
(PNP) Double Barrel campaign.
No comments:
Post a Comment