YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, September 12, 2016

Pederalismo tinalakay ng PDU30-CoRe (constitutional reformers) sa Boracay

Posted September 12, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

“Federalism Furom”

Isa ngayon ang isla ng Boracay sa binisita ng mga kilalang tagapagsalita ng Duterte Administration kung saan tinalakay nila ang pederalismo.

Mainit namang tinanggap ni Mayor Ceciron Cawaling ang mga bisita kung saan nagbigay ito ng kanyang mensahe kung ano ang kanyang nalalaman pagdating sa usaping pederalismo.
Kaugnay nito, isa-isang nagbahagi at nagpaliwanag ng kanilang kaalaman ang mga speaker na sina Former Cong. Omar Fajardo (Two Time Bayaning Filipino Awardee) kung saan tinalakay niya dito ang History of Federalism na sinundan naman ng Introduction to Parliamentary ni Atty. Larry Gadon at Shift to Federalism from Unitary to Presidential Parliamentary or Semi Parliamentary ni Atty. Raul Lambino.

Samantala, naging topiko naman ni Usec. Manuel Antonio Teehankee ng Department of Foreign Affairs ang tungkol sa History and Evolution of Philippine at ang Proposed Perspective for the Philippines naman ang kay Atty. Jose Midas Marquez, Supreme Court Administrator (Former Spokesperson of the Supreme Court of the Philippines) at ni Presidential Legislative Liaison Office Asst. Secretary Astravel Naik.

Pagkatapos nito ay nagbigay ng opinion at kwestyon ang ibang bisita patungkol sa pederalismo kung ano ang magiging epekto nito sa bansa kung sakaling ito ay ipatupad kung saan isa-isa itong sinagot ng mga tagapagsalita.

Sa kabila nito, ipina-abot nila sa nasabing usapin na ang mga pagbabagong ginagawa ng Presidente Duterte sa bansa kung saan isa naman si Naik na humikayat sa LGU Malay na magpasa ng resulotion hindi lang patungkol sa pederalismo kundi pati na ang sa “drug campaign”.

Nagpapasalamat naman ang anim na mga speaker sa pagtanggap sa kanila ng Boracaynon sa naganap na PDU30-CoRe (Constitutional Reformers) To Federalism.

Kabilang din sa mga dumalo ay mula sa Boracay Foundation Incorporated, Philippine Chamber of Commerce and Industry-Boracay, LGU-Malay, miyembro ng media, Boracay Action Group, Task Group Boracay-Philippine Army at PNP Maritime Group, Rotary Club of Boracay, PARDSS-Boracay at iba pa.

No comments:

Post a Comment