Posted September 14, 2016
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Rehas nalang ngayon ang hinihimas ng isang lalaki matapos
itong makulong dahil sa aktong pagsasamantala sa isang hubot-hubad na turistang
babaeng lasing sa isang hotel sa Balabag, Boracay kaninang madaling araw.
Sa report ng Boracay PNP, kinilala ang nagrereklamong
lalaki na si Zhen Hong Chong, 28-anyos at isang Malaysian National.
Reklamo nito sa mga pulis, papasok na umano siya sa
kanilang kwarto ng makita nitong walang damit ang kanyang kaibigang babae na si
Kian Yew Sia na nakahiga at nasa ilalim ng
nakakalasing na inumin katabi ang hindi nakilalang lalaking suspek na wala
na ring damit pang-itaas.
Dahil sa gulat ay napasigaw umano ang biktima at pinatitigil
ang suspek sa ano pang posibleng gawin nito sa nakahubad na kaibigan.
Subal’it nagalit umano sa kanya ang suspek at pinatatahimik
siya nito dahilan para magkaroon sila ng kaunting kumusyon na nauwi rin sa
sakitan.
Sa kalaunan agad namang naaresto ng mga pulis sa lugar
ang suspek kung saan pansamantala muna itong ikinustudiya sa Boracay PNP
station.
No comments:
Post a Comment