Posted September 13, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Ito ngayon ang
nakikitang sagot ni SB Floribar Bautista para mapadali ang pag-kontak sa mga
ahensya at grupo ng rescue operators sa isla ng Boracay.
Sa 11th Regular
Session ng SB Malay, laman ng Privilege Speech ni SB Danilo Delo Santos patungkol
sa Sea Ambulance na ginagamit pantawid sa mga pasyente sa Caticlan na dinadala
sa bayan Kalibo o Iloilo.
Aniya, may
natanggap umano kasi siyang reklamo na merong pasyenteng itatawid sana pasado
alas 12 ng hating-gabi subali’t wala umanong pump boat na magamit sa
pag-transfer sa mainland.
Dahil dito,
sinagot naman ito ni SB Jupiter Gallenero na ang mga pwede raw tawagan para
hingan ng tulong ay ang Boracay Action Group (BAG) na kinabibilangan ng mga responders
ng BFRAV, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at
General Command Post ng Boracay.
Sa kabila nito, suhestyon
at nais ni Bautista na magkaroon ang Munsipyo ng Malay lalong-lalo ang isla ng
Boracay ng Hotline o numerong tatawagan ng mga residente alinsunod narin sa
ipinapatupad ng Duterte Administration kung saan meron silang numerong
tatawagan para sa panahon ng emerhensya at sa mga may iri-reklamo.
Kaya naman sa
susunod na SB session ng Malay nais nilang imbitahan ang Boracay Action Group
(BAG) o BFRAV, MDRRMO, General Command Post kasama na ang Red Cross upang mas mapadali
at malaman ng tao kung sino ang unang tatawagin sa oras na kailangan ang
kanilang serbisyo.
Balak din ng
pag-uusap na masiguro ang protocol ng responde at kung sino ang dapat tawagan
para sa kapakanan ng mga mahihirap na residente na walang kakayahang magbayad
ng ambulansya at pamasahe sa sea transfer.
No comments:
Post a Comment