Pages

Monday, September 12, 2016

Apektadong barangay sa Aklan na sangkot sa illegal drugs umabot sa 64%

Posted September 12, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for illegal drugsUmabot na ngayon sa 64 percent na barangay sa probinsya ng Aklan ang apektado ng ilegal na droga.

Ito ay base sa kakalabas lamang na resulta ng anti-illegal drug campaign ng Aklan Police Provincial Office (APPO).

Ayon kay Chief Inspector Bernard Ufano, hepe ng Aklan Provincial Intelligence Branch, sa 327 umanong barangay sa 17 bayan sa Aklan ay  nasa 118 lamang umano rito ang kinokonsidera nilang drug free.

Sinabi pa nito na ang pagtaas ng numero ng mga brgy. na apektado ng droga ay dahil sa mga drug surrenderees ng  Oplan Tokhang campaign ng PNP.

Samantala, sa latest data ng Aklan PPO nitong September 5, sa 209 barangay na apektado ng droga sa Aklan ay mayroon lahat na 1,851 illegal drug personalities ang sumuko sa ilalim ng Philippine National Police’s (PNP) Double Barrel campaign.

No comments:

Post a Comment