Posted September 14, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Isang satellite office ngayon ng Land Transportation
Office (LTO) ang isinusulong sa kongreso na itayo sa bayan ng Malay sa Aklan.
Ito ang layong maisakatuparan ni Aklan Congressman
Carlito Marquez matapos na itong ma i-file sa 17th Congress.
Base sa ilalim ng House Bill 3011 ni Marquez, ito ay para
umano mabawasan ang bigat ng trabaho ng
LTO office sa Kalibo at para mabigyan ng maayos at mabilis na serbisyo
ang mga kliyente sa bayan ng Malay at mga kalapit na munisipalidad nito.
Nabatid na kung maaaproba ito ng Senado at ng House of
Representatives, ay mapapadali na ang aplikasyon at renewal ng driver’s license
sa sandaling maitayo na ang nasabing satellite office sa naturang bayan.
Samantala, ang satellite office ay maaari ring magsilbi
sa mga kliyente mula sa mga kalapit na bayan ng Pandan, Sebaste, Culasi at
Libertad sa probinsya ng Antique.
No comments:
Post a Comment