Posted August 20, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Sunod-sunod na umano ang ginagawang testing sa bagong Sewerage
Treatment Plant (STP) ng Boracay Island Water Company (BIWC) sa Tambisaan
Manoc-manoc.
Sa panayam kay BIWC Business Operations Head Acs Aldaba, sinabi
nito na inihahanda na ang bagong STP sa gaganaping Inauguration nito sa
Setyembre 26, 2016.
Ito umano ay may capacity na 1 million liters per day o
5MLPD na tumatanggap ng mga waste water sa isla ng Boracay.
Ayon pa dito magdedesisyon silang buksan sa mga kliyente ang
kanilang linya para sa mga waste water matapos ang magaganap na Inauguration.
Samantala, wala naman umano silang nakitang problema sa
ginawang mga testing kung saan pinaiikot-ikot pa lamang umano nila sa ngayon
tubig sa loob dahil sa hindi pa sila nagbubukas ng operasyon.
No comments:
Post a Comment