Posted August 18, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Mahigit 34, 320 na
ngayon ang kabuuang bilang ng mga rehistradong botante sa bayan ng Malay para
sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Election ngayong Oktubre.
Ayon kay Malay
Comelec Officer II Elma Cahilig, ito ang datos ng Comelec Malay sa katatapos na
registration noong nakaraang buwan ng Hulyo.
Nabatid na
kabilang sa mga binalido nilang botante dito ay ang re-activation at correction
sa kanilang pangalan kung saan ang iba naman dito na kanilang tinggal ay yaong
patay na at nagtransfer na sa pagboto sa ibang lugar.
Kaugnay nito, ang
bilang naman ng mga botante sa Sangguniang Kabataan sa edad na 15-16 ay 940 habang
ang 18-30 ay umabot sa 13, 574.
Maliban dito,
dalawa ang pagbobotohan ng edad na 18-30 kung saan sila ay boboto sa
Sangguniang Kabataan at Barangay.
Samantala, ang
Comelec Malay ang pumapangalawa sa may pinakamaraming rehistradong botante sa probinsya
ng Aklan.
No comments:
Post a Comment