Posted August 15, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ito’y dahil sa natapos na ang mainroad construction ng
Boracay Island Water Company (BIWC) na nagtagal ng halos apat na linggo dahilan
para magkaroon din ng re-routing sa Manoc-manoc.
Dahil dito tuloy-tuloy na ang biyahe ng mga sasakyan sa
Boracay kung saan nabawasan na rin ang ilang pagbabaha sa station 3 at ang mga
sira-sirang kalsada matapos ang ginawang pag-aayos ng BIWC sa kanilang Sewerline
Network Project.
Matatandaang napagkasunduan ng LGU Malay at ng mga
kinauukulan sa Boracay na ipatupad ang 1-way lane para maiwasan ang matinding
trapiko at upang mapabilis din ang ginawang proyekto ng BIWC.
Nabatid na sinabi din noon ni Executive Assistant III
Rowen Aguirre ng LGU Malay na kung sakaling maganda ang resulta ng ginawang
re-routing ay ipagpapatuloy nila ito.
No comments:
Post a Comment