Posted August 18, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Nagsimula na ang
pagpapatupad ng clearing operation o “Oplan Hawan” sa vegetation area pasado
alas nuwebe kaninang umaga na nag-umpisa sa Station 3 Boracay.
Katuwang ni Executive
Assistant 1V Rowen Aguirre ang Malay Auxiliary Police, Street Cleaner, Boracay
Beach Guard, Malay at Boracay PNP, Philippine Army, Coast Guard, Public
Assistance for Rescue, Disaster and Support Services o (PARDSS) empleyado ng
LGU Malay kagaya ng Tourism, Licensing, Zoning, at Engineering Office.
Nabatid na bago
sinimulan ang clearing operation ay pinulong muna ni Aguirre ang mga ito para
sa kanilang gagawin pagpapaalis sa mga illegal vendors, pag-kuha ng mga
pangalan ng commissioners, pag-kumpiska sa mga gamit ng mga establisyemento sa
front beach kagaya ng lamesa, tent, upuan at straktura.
Kaugnay nito,
kabilang sa apektado ay ang mga maliliit na tindahan na lumagpas sa 25+5 meter
easement rule at sumakop sa walk-way kung saan pati ang mga ito ay tinibag.
Samantala, sinabi
naman ni Aguirre na tatapusin nila ngayong araw ang naturang clearing operation
kung saan pagkatapos naman umano nito ay magkakaroon sila ng maping kung saang
lugar ang mga ito ilalagay.
No comments:
Post a Comment