Posted August 18, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Pinaplanong pasukin ng Sangguniang Bayan ng Malay ang
Petro Wind project sa Brgy. Napaan kung saan nakatayo ang pitong windmill.
Ito ang hiniling ng konseho sa ginanap na Session nitong
Martes kay Engr. Jose Vilena Jr. Senior Project Manager ng Petrowind na isa sa
mga dumalo sa nasabing session matapos silang ipatawag tungkol sa problema ng
Napaan river.
Ayon naman kay Vilena bukas naman silang tanggapin ang
konseho sa kabila ng mahigpit umano nilang seguridad sa ginawang proyekto.
Nabatid na nais makita ng mga opisyales ng Malay kung
gaano naapektuhan ang Napaan river ng mga itinayong windmill na ngayon ay
nagresulta ng discoloration ng tubig o kulay putik na dumadaloy sa ilog.
Ayon naman kay Vilena patuloy ang kanilang ginagawang paraan
upang ng sa ganon ay muling mapakinabangan ng mga residente sa lugar ang
nasabing ilog na kanilang pinagkukunan ng tubig.
Matatandaang ipinatawag ni SB member Dante Pagsuguiron
ang naturang kumpanya dahil sa pagkabahala nito sa mga residente sa Napaan at
ang epekto sa kalikasan.
Ang Windmill project ng Petro wind ay isang kumpanya na
pinagkukunan ng suplay ng kuryente.
No comments:
Post a Comment