Posted August 19, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Muli na naman
ngayong tinalakay sa 6th Regular Session ng Sangguniang Panlalawigan ng Aklan ang request ng SMI Development
Corporation kay Aklan Governor Joeben Miraflores.
Ang kahilingan ay
para sa bigay ng permit para sa
construction ng Docking Facility sa Punta Bunga sa isla ng Boracay.
Samantala, ine-refer
na ito sa Committee on Laws, Rules and Ordinances, Committee on Environmental
Protection, Committee on Tourism, Trade, Industry and Commerce, and Committee
on Energy, Public Utilities, Transportation and Communication.
Nabatid, na tinalakay
na ito noon kasama ang Jetty Port Administrator para tingnan ang mga dokumento
at mga requirements ng SMI bago nila ito bigyan
ng permit kung saan ito naman ay ibinalik upang pag-aralan pa nito ang
pagkuha at pag-proseso sa kanilang request.
Nais ng SMI na
aprobahan at payagan ang direktang
pag-transport ng kanilang mga bisitang magbabakasyon sa isla ng Boracay.
Samantala,
hinihintay naman ngayon ng SP Aklan na magbigay ng kaukulang dokumento ang SMI
Development Corporation para muling talakayin at mapag-desisyunan kung nararapat
ba na katigan ang hiling nito.
No comments:
Post a Comment