Posted January 14, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Labing-isang Higante ang maglalaban-laban sa Higante
contest na gaganapin ngayong araw sa bayan ng Kalibo para sa selebrasyon ng
Ati-Atihan Festival 2016.
Paglalabanan ng mga kasaling bayan ang mga premyong P40, 000
para sa tatanghaling champion habang ang second place ay P35,000, third place
P30,000, fourth place P25,000 at ang fifth place ay P20,000 habang ang
consolation prize ay P10, 000.
Tema naman ngayong taon ang "Eco-friendly Ati"
kung saan kinakailangan ang mga kasali ay gagamit ng mga patapong bagay na
maaari pang mapakinabangan.
Maliban dito, dapat ang pigura ng Higante ay may minimum
height na 8 feet at hindi lalagpas sa 12 feet mula sa ground level.
Nabatid na makikisabay sa parada ng mga Higante mamayang
ala-ona ng hapon ang mga LGU Officials at Employees ng lahat ng bayan sa Aklan
na tinatawag na Sad-Sad o street dancing habang ngayong alas-8 ng umaga naman
ang Sinaot sa Kalye ng DepEd Aklan na kinabibilangan ng mga guro.
Samantala, aabangan naman bukas ang Sadsad pasaeamat kay
Señor Sto. Niño sa mga major streets sa bayan ng Kalibo na kinabibilangan ng
ibat-ibang grupo, estudyante, manggagawa at iba pang deboto ni Señor Sto. Niño.
No comments:
Post a Comment