Posted January 12, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Mainit ang ginawang pag-welcome ng mga taga Boracay PNP
sa pagbabalik ni PSI Nilo Morallos bilang bagong Officer In-Charge ng Boracay
Tourist Assistance Center (BTAC).
Ito’y matapos niyang palitan si PSI Fidel Gentallan na
umupo ding OIC ng BTAC sa loob ng ilang buwan na ngayon ay nailipat na sa bayan
ng Lezo sa Aklan.
Ayon kay SP01 Christopher Mendoza, PCR PNCO, si Morrallos
umano na 29-anyos ay dati ring Chief Investigator ng BTAC noong 2014 at nailipat
sa APPO bilang Kalibo Deputy Police at
naging assistant sa Regional Office bago muling ibinalik sa BTAC bilang
OIC.
Kaugnay nito, agad namang nanungkulan si Morallos kung
saan nagpatawag ito ng kauna-unahang staff conference at pinag-usapan naman ang
kanyang mga plano at iba pang inobasyon para sa kapakanan at moral ng Boracay
PNP personnel.
Ang pagtalaga kay Morallos at sa iba pang mga bagong
Chief of Police sa Aklan ay kasabay rin ng pagtalaga kay Senior Superintendent
John Mitchell Jamili bilang bagong OIC ng APPO.
No comments:
Post a Comment