Posted January 11, 2016
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Agad na binawian ng buhay ang isang lalaki sa isla ng
Boracay matapos itong makuryente at mahulong sa isang gusali sa Sitio
Manggayad, Balabag, Boracay.
Sa imbestigasyon ng mga pulis, nagkakabit umano ito ng
CCTV wirings sa second floor ng under construction na building ang biktima
kasama ang mga katrabaho nito ng bigla nalang siyang mahulog at lumagapak sa
sahig.
Agad namang dinala sa pinakamalapit na pagamutan ang
biktima na kinilalang si Thenyr Lorenzo 33-anyos ng Talun Altavas at nakatira
sa Caticlan, Malay ngunit idinikalara naman itong dead on arrival ng doktor na
sumuri sa biktima.
Sinasabing Cardiogenic Shock Secondary to Electrocution o
pagkakuryente ang sanhi ng pagkamatay ng biktima.
No comments:
Post a Comment