Pages

Thursday, January 14, 2016

Inaabangang Higante contest sa Kalibo Ati-Atihan aarangkada na ngayong araw

Posted January 14, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Labing-isang Higante ang maglalaban-laban sa Higante contest na gaganapin ngayong araw sa bayan ng Kalibo para sa selebrasyon ng Ati-Atihan Festival 2016.

Paglalabanan ng mga kasaling bayan ang mga premyong P40, 000 para sa tatanghaling champion habang ang second place ay P35,000, third place P30,000, fourth place P25,000 at ang fifth place ay P20,000 habang ang consolation prize ay P10, 000.

Tema naman ngayong taon ang "Eco-friendly Ati" kung saan kinakailangan ang mga kasali ay gagamit ng mga patapong bagay na maaari pang mapakinabangan.

Maliban dito, dapat ang pigura ng Higante ay may minimum height na 8 feet at hindi lalagpas sa 12 feet mula sa ground level.

Nabatid na makikisabay sa parada ng mga Higante mamayang ala-ona ng hapon ang mga LGU Officials at Employees ng lahat ng bayan sa Aklan na tinatawag na Sad-Sad o street dancing habang ngayong alas-8 ng umaga naman ang Sinaot sa Kalye ng DepEd Aklan na kinabibilangan ng mga guro.

Samantala, aabangan naman bukas ang Sadsad pasaeamat kay Señor Sto. Niño sa mga major streets sa bayan ng Kalibo na kinabibilangan ng ibat-ibang grupo, estudyante, manggagawa at iba pang deboto ni Señor Sto. Niño.

No comments:

Post a Comment