Posted January 14, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Isa ito sa matinding problema sa Cagban at Caticlan Jetty
Port dahil sa pahirapang makasampa ang mga bangka sa gutter kung saan sila
dapat dadaong.
Sa 2nd Regular Session ng Malay nitong Martes,
napag-usapan ng mga konsehales at ni Jetty Port Administrator Niven Maquirang
ang nasabing problema kung saan inaasahang sa susunod na araw ay magkakaroon
umano sila ng dredging sa dalawang pantalan.
Ayon kay Maquirang, mayroon ng equipment para rito ang
probinsya, kung saan nakatakdang hukayin ang bahag na mababaw upang makadaong
ang mga bangka.
Nabatid na isa lamang ito sa mga plano ngayon ng
probinsya para maibsan ang problema sa jetty port kung saan sinasabing mabagal
ang operasyon dala ng kawalan ng docking area kakulangan ng bangka at ang
pagpapatupad ng manifesto.
Samantala, inihahanda na ngayon ng Jetty Port ang
kanilang mga bagong ipapatupad na emplementasyon para sa peak season katuwang
ang Philippine Coastguard at CBTMPC na inaproba naman ng Sangguniang Bayan ng
Malay.
No comments:
Post a Comment