Posted January 11, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Sa pagsisimula ng election gun ban kahapon, mas
pinaigting naman ng mga kapulisan sa isla ng Boracay ang checkpoints para sa
pagsisimula nito.
Ayon kay PI Joey Delos Santos, Deputy Chief ng Boracay
PNP, alas-dose ng hating gabi kahapon nagsimula ang kanilang ipinapatupad na
checkpoint para sa gun ban sa ilang area sa Boracay lalo na sa mainroad.
Ito ay batay sa Comelec Resolution No. 9981 o Calendar of
Activities para sa May 9 election kung saan simula kahapon Enero 10 ay
ipinagbabawal na ang pagdadala ng baril o anumang nakamamatay na armas.
Nabatid na maaari lamang magdala nito kung ito ay may
pahintulot mula sa Commission on Elections na may nakasulat o pirmado ng mga
kaukulang opisyal.
Samantala, payo naman ni Delos Santos sa may mga baril na
bawal paring magdala nito kahit sila ay may mga lisensya dahil sa tanging ang
exempted lamang umano nito ay mga otoridad.
Ang election gun ban ay ipinatupad ng Comelec para sa May
9 election kung saan magtatapos naman ito sa Hunyo 8 ng taong kasalukuyan.
No comments:
Post a Comment