Pages

Thursday, January 14, 2016

Cagban at Caticlan Jetty Port posibleng e-dredging dahil sa problema sa low tide

Posted January 14, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for Caticlan Jetty Port“Low Tide”

Isa ito sa matinding problema sa Cagban at Caticlan Jetty Port dahil sa pahirapang makasampa ang mga bangka sa gutter kung saan sila dapat dadaong.

Sa 2nd Regular Session ng Malay nitong Martes, napag-usapan ng mga konsehales at ni Jetty Port Administrator Niven Maquirang ang nasabing problema kung saan inaasahang sa susunod na araw ay magkakaroon umano sila ng dredging sa dalawang pantalan.

Ayon kay Maquirang, mayroon ng equipment para rito ang probinsya, kung saan nakatakdang hukayin ang bahag na mababaw upang makadaong ang mga bangka.

Nabatid na isa lamang ito sa mga plano ngayon ng probinsya para maibsan ang problema sa jetty port kung saan sinasabing mabagal ang operasyon dala ng kawalan ng docking area kakulangan ng bangka at ang pagpapatupad ng manifesto.

Samantala, inihahanda na ngayon ng Jetty Port ang kanilang mga bagong ipapatupad na emplementasyon para sa peak season katuwang ang Philippine Coastguard at CBTMPC na inaproba naman ng Sangguniang Bayan ng Malay.

No comments:

Post a Comment