Posted September 24, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Pera ang siyang dahilan kung bakit nais paimbistigahan ng
Sangguniang Bayan ng Malay ang operasyon ng mga foreign tourguide sa Boracay.
Sa 34th Regular Session nitong Martes, sinabi
ni SB Member Floribar Bautista, na may natanggap siyang impormasyon na mayroong
tao sa likod ng mga tourguides na sinasabing nag-proproseso ng kanilang permit
para sa kanilang legal na operasyon sa Boracay.
Ayon kay Bautista nalaman umano nito na sinisingil ang bawat
tourguide sa halagang P50-60,000 para sa pagsasaayos ng mga papeles sa kabila
na aabot lamang sa P10-20, 000 ang kailangang ibayad ng foreign tourguide sa
LGU Malay para sa kanilang legal operation.
Samantala, napag-kasunduan ng local body na ipatawag sa
committee hearing ang Presidente ng Tourguide Association sa Boracay para
alamin kung gaano katoto ang naturang balita.
Maliban dito kasama din sa mga iimbitahan ang Department
of Labor and Employment (DOLE) para matukoy kung anong mga requirements ang
dapat e-proseso ng mga tourguide para sa kanilang operasyon kasama ang Department
of Tourism.
Ang committee hearing ay pangungunahan ng Committee on
Tourism na gaganapin sa Oktobre 9, 2015 sa SB Session Hall ng bayan ng Malay.
No comments:
Post a Comment