Posted September 22, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nakatakdang sumailalim sa evaluation ng Provincial
Government ng Aklan ang Local Government Unit ng Malay sa pangunguna ng
Committee on Evaluation at Department of Interior at Local Government (DILG).
Ayon kay Malay Local Government Operations Officer
(MLGOO) II Mark Delos Reyes, ito umano ay para kapanayamin si Vice Mayor Welbic
Gelito at para alamin kung anong mga batas at ordinansa ang naipasa ng nasabing
bayan.
Sinabi nito na karamihan sa e-evaluate ng Province ay ang
mga dokumento ng LGU Malay at ang kanilang development Plan.
Sa kabilang banda bukas na ang gaganaping awarding of
Seal of Good Local Governance ng DILG sa siyudad ng Iloilo kung saan bibigyang
parangal ang Aklan Provincial Governance kasama ang bayan ng Banga, Ibajay at
Malay.
No comments:
Post a Comment