Posted September 21, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Bibigyang aksyon ng Local Government Unit ng Malay ang
over flowing waste water ng mga hotel, establishment at mga kabahayan sa
Boracay.
Ayon kay Malay Environmental Management Service (EMS)
Administrative Assistant Adel Lumagod, pinapatawag umano nila ang mga may-ari ng bahay o
establisyemento na mayroong over flowing na waste water para sa isang dialogue.
Dito umano pag-uusapan kung anong mga solusyon ang dapat
gawin para maiwasan ang nasabing problema o anong penalidad ang kanilang
maaaring kaharapin sakaling lumalala ang naturang problema.
Nabatid na isa sa dahilan ng pagbaha sa ilang area ng
Boracay ay dahil sa mga nasabing waste water mula sa mga business establishment
kabilang na ang mga restaurant.
Matatandaan na ilang restaurant ang nasampulan ng LGU
Malay at Sanitation Office dahil sa tumatagas nilang waste water.
No comments:
Post a Comment