Posted September 23, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Hinalungkat ng Department of Interior and Local
Government (DILG) Aklan ang mga ipinasang ordinasa, resolusyon at ang mga
dokumento ng Local Government Unit ng Malay.
Ito’y matapos sumailalim ang nasabing bayan sa evaluation
ng mga taga DILG kahapon para alamin kung paano na-proproseso ng LGU ang
kanilang mga dokumento at kung ano ng mga resolusyon o ordinansa ang naipasa ng
konseho.
Nabatid na isa ang bayan ng Malay sa paparangalan ngayon
sa Iloilo City ng Seal of Good Local Governance ng DILG kasama ang bayan ng
Banga, Ibajay at DILG Aklan.
Kaugnay nito ipinaabot naman ni Vice Mayor Welbic Gelito
ang kanyang pagbati sa LGU Malay dahil sa maaayos na pamamalakad ng nasabing
bayan dahilan para sila ay muling makilala ng DILG sa pangalawang pagkakataon.
Samantala, pinangunahan naman ni Malay DILG Officer Mark
Delos Reyes ang pagsalubong sa mga taga DILG Aklan sa isinagawang evaluation
kahapon.
No comments:
Post a Comment