Posted September 25, 2015
Ni Alan C. Palma, YES FM Boracay
“Rabies Free
Philippines by 2020”.
Ito ang layunin ng Department of Health katuwang ang
World Health Organization sa isinagawang Rabies Dissemination Forum in the
Visayas Island nitong nakalipas na araw sa Boracay.
Ito ay dinaluhan ng mga delegado mula sa iba’t ibang
rehiyon sa Visayas kung saan ang paksa ng aktibidad ay para palakasin ang
kampanya ng Responsible Pet Ownership ng mabawasan ang kaso ng rabies sa bansa.
Maliban kay Cebu City Mayor Michael Rama, Antique
Governor Rhodora Cadiao at Guimaras Governor Samuel Gumarin, naging panauhin
din si DOH Undersecretary Dr. Vicente Belizario Jr.
Ayon kay Belizario, maliban sa dog vaccination campaign
ng Department of Agriculture sa bawat munisipalidad ay mainam din palawakin ang
bakuna sa mga bata sa elementarya bukod pa sa libreng bakuna na ibinibigay sa
mga Animal Bite Treatment Centers.
Dagdag pa nito na kung dati ay una at dalawang dose lang
ang libre, balak ng DOH na ibigay ang walong dose ng libre para hindi na
mahirapan ang mga biktima lalo na ang mga mahihirap.
Samantala, isa sa mga highlight ng nasabing forum ay ang
Presentation of Selected Good Practice ng mga probinsya na deklaradong
rabies-free para magsilbing huwaran sa mga local officials at medical
practioners na dumalo.
Kung maalala, ang isla ng Boracay ay isa din sa mga
idineklarang ng DOH na Rabies-Free noong taong 2013.
No comments:
Post a Comment