Posted September
21, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Hanggang ngayon ay isa parin sa itinuturing na problema
sa Boracay ang pagbabaha sa ilang lugar lalo na sa area ng mainroad sa station
3.
Dahil dito gumagawa na ngayon ng hakbang ang Lokal na Pamahalaan
ng Malay kung paano mabibigyang solusyon ang nasabing pagbaha.
Nabatid na ang mga drainage system sa Boracay ay under sa
Tourism Infrastructure Enterprise Zone Authority (TIEZA) na hanggang ngayon ay
hindi parin natatapos ang kanilang proyekto sa isla para mabigyang solusyon ang
mga baradong kanal.
Ayon kay Malay Environmental Management Services (EMS)
Administrative Assitant Adel Lumagod may mga solusyon na umano sila ngayon
matapos silang makipag-meeting sa TIEZA nitong Huwebes.
No comments:
Post a Comment