Posted November 30, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Maliban sa local sanction makakatanggap din ng penalidad
sa Maritime Industry Authority (MARINA) ang mga cargo vessel sa isla ng
Boracay.
Ito’y sakaling mahuli silang nagkakarga ng mga motor na
walang dokumento mula sa LGU Malay gayon din ang iba pang kargamento.
Ayon kay PCG Caticlan Commander Lt. Idison Diaz,
tuloy-tuloy umano ang kanyang ginagawang inspection sa mga cargo area sa
mainland Malay at isla ng Boracay para maiwasan ang pagpasok ng ano mang uri ng
illegal sa isla ng Boracay.
Sinabi nito na mahaharap sa karampatang penalidad ang
boat captain sakaling nilabag nito ang mga kautusan gayon din ay maaaring
makumpiska ang kanilang cargo boat.
Dagdag pa ni Diaz na ang kanilang ginagawang paghihigpit
ngayon sa Boracay ay dahil na rin sa sunod-sunod na karahasang nangyayari sa
ibat-ibang bansa lalo na sa mga tourist destination.
Sa kabila nito tiniyak ni Diaz na 24/7 na nag-babantay
ang kanilang hanay para sa pagpapaigting sa seguridad sa karagatang sakop ng
isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment